Lola tumalon sa tulay basag ang bungo, dedo

BASAG ang bungo at nagtamo ng mga galos sa mukha ang isang 75-anyos na lola matapos itong tumalon sa tulay kaninang madaling araw sa Intramuros, Maynila.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Jovita Tribiana, ng 223 Sandico St., Tondo,Maynila.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jose Gumilan ng Manila Police District Homicide Section, dakong 3:10 ng madaling araw ng maganap ang inisdente sa Delpan Bridge Intramuros, Maynila.

Sa pahayag ng mga tambay sa lugar, nakita nila ang biktima na tumalon sa tulay kaya agad nilang ipinagbigay-alam ang pangyayari kay Rolando Sumanga, isang barangay tanod.

Tulong-tulong na iniahon nila biktima mula sa ilog at dinala sa Gat Andres Bonifacio Hospital ngunit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong pinsala sa ulo nang tumama ito sa bato.

Nabatid sa mga kamag-anak ng biktima, na matagal ng iniinda ng matanda ang sakit na asthma kaya minabuti na lamang nitong wakasan ang buhay upang hindi na maghirap pa.

Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa St. Yvan Funeral Homes para sa autopsy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply