Lolo’t lola pinatay sa loob ng kanilang tahanan

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon at follow up operation ng kapulisan ng Las Piñas City hinggil sa pagkakapaslang sa matandang mag-asawa kahapon ng 4:00 ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Gerardo Cada, 71 at ang asawang nitong si Carmelita, 72. Natagpuang ang kanilang bangkay sa loob mismo ng kanilang tahanan sa 246 Marcos Alvarez Avenue sa Talon Uno village sa naturang lungsod.

Ayon kay S/Supt. Romulo Sapitula, hepe ng Las Piñas City PNP, maaaring kakilala ng mga biktima ang salarin dahil wala naman forced entry na nakita sa tahanan ng mga Cada.

Namatay umano sa suntok sa ulo ang mga biktima dahil sa mga pasa na nakita ng SOCO.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply