Love triangle posibleng motibo sa pagpatay kay Ram Revilla

LOVE tringle ang isa sa anggulong tinututukan ngayon ng pulisya sa nangyaring pamamaril at pananaksak na nagerulta sa pagkamatay kay Ram Revilla, anak ni Ramon Revilla, Sr. at half-brother ni Sen. Bong Revilla.

Kaninang madaling araw nang gawin ang pamamaril at pananaksak kay Ram, 22, sa bahay nito sa BF Homes, Parañaque City habang kasama ang kanyang kasintahan na si Janelle Manahan.

Dead on arrival sa Parañaque Medical Center si Ram habang inoobserbahan naman ngayon sa Asian Hospital ang girlfriend nito na binabantayan ng mga pulis sa pagamutan.

Dinala na sa punerarya sa Imus, Cavite ang mga labi ni Ram upang awtopsiyahin.

Sa inisyal na ulat, isang gunman na nakasuot ng bonnet ang pumasok sa tahanan ng biktima.

Samantala, blangko pa rin ang pamilya ng senador sa kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen na sinapit ng kanyang kapatid.

Kasabay nito, ipinangako ng senador na mananagot ang suspek sa nangyari. Ipinaubayan na ri niya sa PNP–CIDG  ang imbestigasyon sa kaso.

Nabanggit din ng senador na si Ram ang paboritong anak ng kanilang ama.

Si Ram ay minsan ding pumasok sa showbiz, nagkaraoon ng pelikula at naging contract star ng isang malaking TV network.

Kinumpirma naman ng pamilya Revilla na naka-usap na nila ang kasintahan ng kanyang kapatid.

Inaasahang makapagbibibgay na ito ng pahayag sa PNP tungkol sa nangyari sa kabila ng pinsala nitong tama ng bala sa mukha.

Samantala, nasa pangangalaga ni Senador Revilla ang pangunahing testigo sa krimen na si Maria Ramona Bautista at apat na iba pa, kabilang ang kanyang production assistant at tatlong kasambahay.

Isinasailalim din sa pagsisisyat ang security guard ng subdivision na naka-duty noong mangyari ang insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply