Lovi idinenay na may relasyon sila ni Jake at di raw totoong nagregalo rito ng bala si Chavit Singson

ISANG source na malapit kay Lovi Poe ang nagdenay sa lahat ng lumalabas na issue sa dalaga na may relasyon na raw ngayon kay Jake Cuenca. Hanggang pelikula lang ang naging relasyon nila dahil lumabas silang mag-lover sa “My Neighbor’s Wife.”

Dahil wala silang relasyon, lalong walang katotohanan ang kumakalat ngayong tsika na niregaluhan ni Chavit Singson ang aktor ng bala ng baril.

Kasi nga’y talagang wala nang relasyon ngayon sina Lovi at Cong. Ronald Singson na ngayo’y nasa Hong Kong pa.

Bukod pa rito, walang love life si Lovi sa ngayon pero hindi nawawalan ng admirer.

Tulad ng darating na friend ni Soleen Huesaff na rugby player na Pinoy-Welch na si Gaz Holgate, 24, na balitang darating na sa October 3 sa bansa.

Busy si Lovi ngayon sa dalawang movie niya na parehong “Aswang” ang titulo.

Napanonood siya tuwing Sunday sa “Party Pilipinas” at may coming soap siya sa GMA 7.

000

ABA, hindi lang comedian, singer at composer ngayon si Ogie Alcasid. Aba’y endorser na rin siya ng sarili niyang brand ng pabango na produkto ng Bench. Tinawag itong OPM brand. Ganyan pa rin ka-popular si Ogie sa mga masa kaya mabiling-mabili pa rin siya kahit sa endorsement.

Anyway, malaking tulong kay Ogie kung bakit siya popular ay ang pagiging mainstay ng Bubble Gang tuwing Friday night.

Hindi rin maluluma si Ogie kasi may Party Pilipinas at “Protege” pa siyang programa sa GMA 7.

000

Nora Aunor hindi totoong pumirma na ng three-year contract sa TV5

HINDI totoong pumirma na ngayon si Nora Aunor ng three years contract sa TV 5. Sabi ng confidant nitong si Albert Sunga ay nasa kamay pa rin ni Ate Guy ang kontrata at mataimtim na binabasa pa ito katulong ng kanyang lawyer. Hindi nagmamadali si Ate Guy sa pagpirma dahil may existing contract pa ang Superstar sa network na pinamamahalaan ni Manny V Pangilinan (MVP).

Ayon sa source, matatapos ang contract si Ate Guy sa Oct. 30 ngayong taon. Kaya  maaaring pumirma siya ng bagong contract on or before Oct. 30. Siyempre, marami pang  iba pang-ins and outs ng contract ang pinag-aaralan ni Ate Guy. Pero, balitang malamang na pumirma ang Superstar.

Pagkatapos pa ng taping ni Ate Guy sa “Sa Ngalan ng Ina” na Ipapalabas na sa Monday, October 3 ang pilot episode, saka siya magsisimula ng trabaho kay Mother Lily Monteverde para sa filmfest entry ng Regal at TV5, ang “Mano Po VII: Hototay.” Sa time na magsisimula na si Ate Guy sa Mano Po, tapos na rin siya sa “El Presidente” movie niya na kapartner si Gov. ER Ejercito ng Laguna.

Sabi ng source, ayaw na ni Ate Guy na pinagsasabay-sabay ang kanyang trabaho. Gusto niyang isa-isa lang. Ayaw na niyang nagkakagulo ang kanyang schedule.

Ang nag-iisang Superstar pa rin ang special guest talent scout sa espesyal na episode ng “Talentadong Pinoy” ngayong Linggo na pinamagatang ‘Talentadong Superstar.’

Anim na komedyante ang magtatagisan ng galing upang matanghal na pinakamagaling na Nora Aunor impersonator at ang mismong Superstar ang isa sa magiging hurado kasama si Direk Joey Reyes at ang anak ni Ate Guy na si Ian de Leon, na kasama rin rin sa TV5 mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina na magbubukas na sa Lunes.

Isang gabi ng katatawanan at kasiyahan ang hatid sa inyo ng espesyal na episode na ito ng Talentadong Pinoy na pinangungunahan ng host na si Ryan Agoncillo. Mapapanood na ang ‘Talentadong Superstar’ bukas (Oktubre 2) ng 8:30 ng gabi sa TV5.

000

KAHIT katatapos lang ng birthday celebration ni Kap, siya naman ang maghahandog ng mga regalong kaalaman para sa mga tagasubaybay ng “Kap’s Amazing Stories.”

Isa na rito ang insektong mayfly kung saan ilang minuto lang ang inilalagi sa mundo dahil nilikha silang walang bibig at tiyan, hindi sila makakain para mabuhay nang matagal. Tanging ang enerhiyang naipon lang ang batayan kung gaano sila tatagal sa paglipad. Sa kabila nito ay meron silang mahalagang papel na ginagampanan sa pagapaparami ng kanilang lahi.

Maniniwala ba kayo na ang mga tutubi ay parang ugly duckling na nagta-transform sa pagiging swan? Sila ay lulutang sa tubig na may nakakatakot na anyo at may kung anong nakalagay sa kanyang likod. Mamamaluktot ito at bubukas ang kanyang likod at doon masisilayan ang nakakamanghang insekto.

At kung akala natin ay siga na ang mga lamok, meron pa palang mas astig rito na pwedeng maging mosquito repellant, ito ay ang damselfly. At gaya ng mga kamag-anak nilang mga tutubi at mayfly, importante rin sa kanila ang paglipad dahil ito ang nagsisilbing daan para makahanap sila ng kanilang makakapareha.

Lovi idinenay na may relasyon sila ni Jake at di raw totoong nagregalo rito ng bala si Chavit Singson
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply