Lovi Poe, Susan Roces nagbeso-beso sa birthday party ni Annabelle Rama

BIGLANG nagkita sina Susan Roces at Lovi Poe sa party ni Annabelle Rama sa Makati the other night. Kagagaling lang ng sexy actress sa promo tour ng isa niyang movie, samantalang si Susan ay kararating din sa party. Kaya nang magkita silang dalawa ay isang mainit na kumustahan ang nangyari. Ibig sabihin lang ay walang di magandang pinagsamahan ang dalawa.

N’un ngang huling party ng birthday celebration ni Da King, Fernando Poe Jr., ay damating din si Lovi para makipagsaya. Okay din ang aktres sa iba pang kaanak ni Da King.

Samantala, nasabi rin ni Susan sa isang interview na gusto niyang makasama ang sexy actress sa isang movie. Kaya asahan natin ang pagsasama ng dalawang magaling na aktres sa isang pelikula.

Si Lovi ay pinag-uusapan nang husto sa ngayon dahil sa bagong version ng movie na rating nilabasan ni Alma Moreno noong late 80s sa Regal Films.

Bagong approach ang movie ngayon dahil sa ginamitan na ng bagong technical approach sa filmmaking. Kapag pinanood mo ay parang nanonood ka ng foreign movie dahil sa special effects.

Kasama sa movie ni Lovi sina Paulo Avelino, Joem Bascon at Mark Abaya.

000

NGAYONG gabi ay nasa Comedy Bar si Lovi Poe para manakot pero ibang klaseng pananakot dahil matatawa ang mga audience ng show.

Nandun din ang co-star niyang si Marc Abaya para haranahin ang mga contestant sa Ms. Universe Beauty Parlor. Kaya kakaibang awitin ang handog nito sa mga contestants. Ang mananalo ay didiretso sa semi-finals.

Dahil Holloween ngayon, pati si Fabio Ide ay mananakot. Lalabas siyang multo! May matakot kaya sa kanya?

Nagbabalik comedy naman ang batikang director na si Cesar Cosme, magpapatawa siya sa entablado.

Ano pa ba mahihiling pa sa programa nina Eugene Domingo at Allan K na sagad sa katatawanan!

000

KAHIT nasa kainitan ng training si Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa kanyang laban kay Juan Manuel Marquez sa Nov. 13 sa Las Vegas, mapanonood pa rin siya ng kanyang fans sa Manny Many Prizes. Ano ba ang ginagawa ng magic ng communication ngayon?

Ang programang Manny Many Prizes ay umakyat muli sa Baguio City sa kanilang Halloween episode.

Hanggang isang milyong piso na naman ang maaaring mapanalunan sa jackpot round ng number one pound-for-pound game show ng bansa kung saan pati loyal home viewers ay may tsyansa rin na makapag-uwi ng aginaldo mula kay Pacman!

Inaanyayahan ang lahat na manood at magtext upang magkaroon ng pagkakataong manalo ng laptop, HD camera at libu-libong piso.

Mangangaroling din ang buong tropa kasama ang rock legend na si Pepe Smith, ang batang paslit na si Tutti, at Kapuso hunks na sina Mikael Daez, JC Tiuseco, at Akihiro Sato.

Tutok lang sa Manny Many Prizes tuwing Sabado pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA Sabado Star Power.

000

ISANG masaya at kapanapanabik na weekend ang hatid ng TV5 at ng international affiliate nito, ang Pilipinas Global Network Limited (PGN Ltd.), sa mga kababayan natin sa Middle East. Sa isang pagdiriwang na binansagang Give Me 5 Kapatid, ang sikat na mga TV5 stars na sina Aga Muhlach at Ruffa Gutierrez ay lalahok sa isang engrandeng three-day event na gaganapin sa Dubai at Abu Dhabi sa November 3-5, 2011.

Siguradong mapapaindak ang lahat sa hinandang number ni Aga Muhlach. Kamakailan lang ay nagpakitang gilas sa pagsayaw at pagkanta ang host ng Pinoy Exlorer sa katatapos na selebrasyon ng Wil Time Bigtime na ginanap noong Oktubre 22. Nagmistulang mini-concert ang performance ni Aga na labis namang ikinatuwa ng libu-libong fans na dumalo sa Smart Araneta Coliseum.

Mabibighani naman ang lahat sa kagandahan ni Ruffa Gutierrez. Ang kontrobersyal na host ng Paparazzi ay makikipag-chikahan sa mga Pilipinong sabik ng makabalita tungkol sa mga kwentong showbiz sa Pilipinas.

Bukod sa Grand Fan’s Day ng mga TV5 stars, magkakaroon din ng Pinoy Explorer Promo, isang espesyal na screening ng Sa Ngalan ng Ina, at concert na pangungunahan ng Side A band sa Abu Dhabi National Theater. Isang international auditions naman para sa Talentadong Pinoy ang gagawin sa Boracay Club, Asiana Hotel sa Dubai sa November 5.

Ang Give Me 5 Kapatid ay isang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa Middle East sa international channels ng TV5 – ang Kapatid TV5 at Aksyon TV International.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply