Lovi Poe wala pa ring communication kay Cong. Ronald Singson

SUPER saya si Lovi Poe na humarap sa showbiz columnist nang magkaroon ng press launching ang bago niyang amovie, ang “Aswang.” Pinaka-biggest break ito ng aktres sa Regal Films dahil siya ang title role. Remake bale ito ng box office movie ni Alma Moreno noong 80s sa Regal. Ang Aswang ay showing na Nov. 2.

Di kaya ang happiness ni Lovi ay dahil sa nakatakdang paglaya sa January 2012 ni Cong. Ronald Singson sa piitan sa Hong Kong?

At any rate, nang tinanong ng entertainment press ang aktres tungkol kay Cong. Ronald, sinabi niyang wala silang communication sa ngayon. Ibig bang sabihin nito’y split na talaga sila?

Very demonstrative si Lovi pagdating sa kanyang lovelife. Totoong tao siya at hindi marunong magtago. Bale nasabi niya ito nang mag-guest siya sa “Showbiz Central” last Sunday.

Meanwhile, naiiba ang portrayal na Aswang ni Lovi dahil ayon sa aktres, may puso ang Aswang dito. Di siya basta-basta sumasakmal ng kanyang biktima, bagkus pinagsasabihan muna niya. May eksena pa ngang napatay ni Lovi ang isang asawa ng matanda. Naawa siya at inalagaan niya ito.

Leading man ni Lovi sa movie si Paulo Avelino. First time silang magtatambal kaya humiling si Mother Lily Monteverde na magkaroon sila ng love scenes. Nagpaunlak naman ang dalawa kaya asahan ang Lovi na kasing init nang napanood sa “My Neighbor’s Wife.”

000

Isabel Daza magbabalik muli sa ‘Manny Many Prizes’ ngayong October

MAGBABALIK na pala si Isabel Daza sa Manny Many Prizes sa October. Naging busy lang ang anak ni Ms. Gloria Diaz sa “Futbulilits” kaya huminto pansamantala sa paghu-host ng game show ni Cong. Manny Pacquiao.

Ani Isabel nang na-meet namin sa Futbulilits set: “ Na-miss ko rin ang programa dahil super saya! Balik ako sa October bilang host. Sobrang haba kasi ng taping ng Footbulilits. Inuumaga lagi ang taping kaya nawala muna akong pansamantala sa MMP.  “At any rate, may Party Pilipinas naman ako tuwing Sunday.”

Pagkatapos ng Futbulilits na ngayo’y last two weeks na lang sa ere, may bagong hinahandang programa kay Isabel sa GMA-7 na isang soap opera.

000

BAGO lumipad si Cong. Manny Pacquiao patungong Las Vegas para sa laban nila ni Juan Manuel Marquez sa November 13, magkakaroon ng despedida show si Manny sa SM Mall of Asia Music Hall para sa programang Manny Many Prizes.

Ginawa na sa Manila ang show para mas lalong maraming mag-participate sa games. Gayundin, para mas maraming susuwertihin sa binubunot na papremyo ni Ninong Manny para sa live audience at sa TV viewers.

Kaya maaga pa lang ay pumila na para magkaroon ng tickets at manalo ng libu-libong premyo.

Pero di mawawala ang Manny Manny Prizes sa ere kahit nasa America na si Ninong Manny. Marami ng advance tapings na nagawa ang sikat na pugilist bago siya tutulak papuntang Amerika. Tamang-tama na sa kanyang pagbabalik ay live na live muli ito. Kaya tuloy pa rin ang pamimigay ng sandamakmak na mga papremyo sa mga televiewer.

Last Saturday, super taas ang ratings ng show. Naka 8.9% ang programa. Higit na mataas sa mga kalabang show.

000

MAY binuo na ang grupo ng Brazilian models na football team. Kabilang sa koponan sina Fabio Ide, Daniel Matsunaga, Akihiro Sato, Hideo Muraoka at ang younger brother ni Daniel na si Guilherrme Matsunaga. May kasama rin silang local models at stars sa kanilang koponan na under sa umbrella ng UFL.

Samantala, si Fabio ay muli na namang magpapakawala ng kanyang nakakatuwang narration sa Comodey Bar ngayong gabi. Sa Fabio VTR, humanga kaya ang Brazilian hunk sa weird na talents raw ng mga bading na habey 0 waley.

Pero ang dapat pakaabangan at matatawa nang husto ang televiewers ay ang pagrampa ng mga naggagandahang contestant ng Ms. Universe beauty parlor. Sa presentation ng mga contestant ay maraming sorpresang tiyak sina Allan K, Eugene Domingo, Ate Gay at Boobie, Six Feet Long Band at Beergins.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply