Low pressure area palapit sa Samar area – PAGASA

PALAPIT na sa kalupaan ang namataang namumuong sama ng panahon sa silangang bahagi ng ating bansa.

Ayon sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang nasabing weather disturbance formation sa 110 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) kaya asahan pa rin ang manaka-nakang pagbuhos ng ulan sa Bicol, Visayas at Mindanao tuwing hapon at gabi.

Bukod dito, wala namang namataang malakas na weather system sa karagatang Pasipiko na maaaring maging bagong sama ng panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply