Low pressure tinatalo ng malamig na hangin – PAGASA

MAS lalamig pa sa mga susunod na araw ang temperatura habang unti-unting lumalakas ang hanging amihan o northeasterly wind.

Ayon kay DOST Usec. Graciano Yumul, kabilang sa mga unang makararamdam ng malamig na hangin ay ang Northern Luzon at ilang bahagi ng Bicol Region.

Katunayan, sa Baguio, bumagsak na kanina ang temperatura sa 14 degrees Celsius.

Ang Tuguegarao na tinagurian pang Extreme City dahil sa record breaking na init noong mga nakaraang buwan ay bumababa na rin ang temperatura hanggang 18 degrees Celsius.

Inaasahan naman na lalo pang hihina ang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Luzon dahil natatalo ito sa malamig na hangin.

Paliwanag ni Yumul, hindi lumalakas ang anumang weather disturbance formation kapag mababa ang temperatura o malamig ang umiiral na hangin.

Nilinaw naman ng PAGASA na walang dapat ikabahala sa naitalang biglaang pag-ulan kanina sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan, dahil bahagi lamang ito ng isolated thunderstorm at bukas ay balik na naman sa magandang panahon ang mararanasan sa malaking bahagi ng Pilipinas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply