Loyalty ni Cusi kay FG huwag husgahan – Chiz

IGINIIT ni Senador Francis “Chiz” Escudero na huwag husgahan si dating Airport at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Alfonso Cusi kung nagpapakita ng katapatan sa  kaibigan na si dating unang ginoo Mike Arroyo.

“Siguro intindihin natin kung naging tapat ito sa kanyang matalik na kaibigan na si FG” ani Escudero.

Ito ang naging reaksyon ni Escudero sa patuloy na pagtanggi ni Cusi sa pagkakasangkot niya sa dayaan noong 2004 election.

Subalit iginiit ng senador na mas mahalaga na binigyan-galang ni Cusi ang sinumpaan nito sa pagdinig sa pagsasabi ng katotohanan sa totoong dayaan sa halalan noong 2004 sa Mindanao.

“Sana lang mas binigyan nito ng galang ang kanyang sinumpaan na pagsasabi ng

totoo,” wika pa ni Escudero.

Dagdag pa ng senador, nakatakda pa rin niyang ipatawag sa susunod na pagdinig si Cusi kung saan ay umaasa ito na makonsensya ang dating general manager na sabihin ang totoong nangyaring dayaan sa halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply