LPA humina na – PAGASA

NALULUSAW na ang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Visayas.

Ito ang iniulat ng PAGASA, matapos maghiwa-hiwalay ang kaulapang dala nito sa mga nakalipas na oras.

Huling namataan ang nasabing namumuong sama ng panahon sa layong 560 kilometro sa silangan ng Visayas.

Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Pero kahit walang papasok na bagong bagyo hanggang sa weekend, pinag-iingat pa rin ng Pagasa ang mga residente sa silangang bahagi ng bansa dahil sa paparating na tropical wave o malaking volume ng ulap na maaaring maghatid ng higit sa normal na buhos ng ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply