LPA minomonitor ng PAGASA

BINABANTAYAN na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA)  ang isang low pressure area (LPA) na huling namataan sa layong 420 kilometro Silangan ng Visayas.

Nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone na naka-aapekto sa Visayas at Mindanao.

Samantala, ang Metro Manila ay makararanas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang silangan ang iiral at ang Look ng Maynila at magiging banayad sa pag-alon.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula sa 23 hanggang 32 antas ng sentigrado.

Nagbabala rin ang PAGASA ng landslide at flashflood dahil sa patuloy na pag-ulan na mararanasan ng mga lugar na dinaanan ng bagyong “Pedring” at “Quiel.”

Ayon sa PAGASA, apektado ng wind convergence ang Isabela, Aurora, Quezon at Bicol Region sa susunod na 24 oras.

Inihayag ng PAGASA na malabo pang makaligtas sa tubig baha ang mga nasa Central at Northern Luzon dahil sa mararanasang mga pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply