Sama ng panahon namataan sa Surigao City

ISA na namang low pressure area (LPA) ang namataan ng state weather forecaster papalapit sa Pilipinas.

Ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), huli itong namataan sa layong 1,335 kilometro ng silangan-timog silangan ng Surigao City.

Sa ngayon, may dala itong lakas ana hangin na aabot sa 30 kilometro bawat oras at inaasahan itong magiging ganap na bagyo sa susunod na 36 oras.

Kumikilos ito sa bilis na 11 kilometrobawat oras pakanluran hilagang kanluran sa direksyon ng Pilipinas.

Kaugnay nito, iiral pa rin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas at ito ay dahil sa epekto ng  inter-tropical convergence zone (ITCZ).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply