LRT may libreng sakay sa senior citizens bukas

LIBRE ang sakay bukas (Oktubre 8) sa Light Rail (LRT) Transit line 1 at 2 para sa mga senior citizen.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng LRT at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw.

Ayon sa DSWD, ito ay kaugnay sa paggunita ng Elderly Filipino Week sa bansa.

Ipiprisinta lamang ang senior citizen ID para makasakay ng libre sa Line 1 mula Baclaran hanggang Roosevelt at Line 2 mula Recto hanggang Santolan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply