LTFRB namahagi ng 400 special permit sa bus para sa Undas

NAMAHAGI na ng special permit ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa 400 bus na nais bumyahe sa mga lalawigan sa darating na Undas.

Pakay ng LTFRB na matiyak na hindi kukulangin ang mga bus na sasakyan ng mga dagsang pasahero na uuwi sa kanilang mga probinsya kaya nagkaloob na ito ng special permit para sa 400 unit ng bus.

Pahihintulutang makabiyahe na labas sa kanilang ruta ang mga naturang bus na nakakuha ng special permit na karamihan ay pumapasada sa Metro Manila.

Epektibo ang special permit simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 6. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply