LTO – Las Torres oficinas

UNANG pasok ko po ito rito sa Remate bilang kolumnista at ako ay proud at natutuwa na makasama sa mga matitikas at matitinik na newsmen sa bansa ngayon.

Sana ay matapatan ko ang husay na kanilang dinadala sa mga pahinang ito.

LTO – LAS TORRES OFICINAS

Ngayon, yan po ang tawag ng mga taga-Land Transportation Office sa opisina ng Director ng LTO na si Assistant Secretary Virginia Torres.

Bakit po kanyo?

Aba nung huling punta ko doon para magtanong ng ilang bagay, sinalubong ako ng isang bagong grupo ng mga empleyadong iba ang pakilala sa akin.

‘Yung una kong nakausap ay isang Efren, nagpakilala ako at nagtanong ng ilang bagay tungkol sa mga Plate Number.

Nang humingi ako ng business card niya (calling card po tawag sa iba) sagot niya ay wala siyang business card pero siya si Efren, pamangkin ni Asec!

Medyo nagulat ako dun! Yung nasa kabilang mesa ay isang Amy, pinsan din ni Asec. Torres, tapos sa kabilang dako ay may isang mestisang hindi ko nakuha ang pangalan na anak daw ni Asec.

Nagtanong-tanong ako sa LTO at ang kuwento, maliban kay Bobby Ricohermoso (na matagal na nating kaibigan) at isa o dalawang iba pa, lahat ay kamag-anak ni Asec. Torres.

Yan na yung sinasabi ng marami. KKK – Kaibigan, Kaklase, Kamag-anak – kung yung nasa ulo ganun tumirada, siyempre bababa sa lahat ng appointees niya. Nepotism kanyo? Hmmm!!!!

CHERY MOTORS BABALIK

Naaalala ba ninyo yung Made in China na Chery.

May announcement sila na babalik sila at magbebenta ng mga kotse nilang ewan kung papaano ginawa.

Eh hindi ba pagkatapos madale ang ilang bumili ng maliliit at de lata nilang sasakyan, bigla na lang tumupi at nawala itong Chery nung marami na ang humihingi ng warranty repair and support?

Naiwanan ng lemon cars ang mga Chery owner at nakatambak na lang ito ngayon sa mga garahe na hindi mapakinabangan kahit yero sa bubong.

Tapos, babalik na naman sila para magbenta ng de-lata nilang kotse.

Easy, easy Chery, ayusin niyo muna yung iniwang problema ng dati ninyong dealer bago kayo humirit ulit. Ayusin niyo na rin yung mga kotse ninyo in the process para hindi substandard!!!

Email niyo po ako sa baliw-ako62@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply