Luis dinala sa sementeryo nina Vilma at Edu

DINALA pala nina Vilma Santos at Edu Manzano sa sementeryo si Luis Manzano noong on the rocks na ang relasyon ng Star For All Season kay Doods para roon kausapin at sabihin ditong they both love him.

“Four years old si Lucky noon, Hindi namin alam kung naintindihan niya ang ibig naming sabihin sa kanya ni Edu,” kuwento ni Ate Vi.

Ngayon ay proud na proud ang actress-politician sa kanyang dalawang anak na sina Luis at Christian Ryan Recto anak niya kay Senator Ralph Recto.

Magbi-birthday si Ate Vi sa November 3 at balak nilang magbakasyon ng dalawang Linggo sa Asya at sa pagbabalik niya ng bansa ay magdaraos siya ng salu-salo para sa mga nagmamahal sa kanya.

***

Kahit anong pilit ng press kay Vic Sotto para hingan ng reaction sa pagpapakasal ni Pia Guanio kay Steve Mago ay ngiti at no comment lang ito.

Tumanggi itong magbigay ng kahit anong reaksyon o pahayag nang tanungin siya sa presscon ng bagong show niya kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola na The Jose at Wally Show, starring Vic Sotto sa TV5.

“No comment! Next question please,” ang tanging sagot ni Vic sa nagtanong kung anong reaction at comment sa pagpapakasal ni Pia Guanio.

Mas interesado pa si Bossing Vic pag-usapan ang pagsilang ng bagong apo kina Danica at husband nitong si Mark Pingris.

Excited din si Bossing sa nalalapit na ring panganganak ng isa pa niyang manugang na si Kristine Hermosa.

Nagbiro pa nga itong kahit anong gawin daw niya para magmukhang lolo ay ayaw raw talaga siyang magmukhang grandfather.

Going back sa pagpapakasal ni Pia ay wala talagang mapiga ang mga press kay Vic dahil as a true gentleman, hindi nito talaga ugaling magbigay ng kahit anong statement para na rin sa proteksyon ng dalawang panig.

Anyway, naitsika ni Vic na nakunan na ang kissing scene nila ni Ai Ai delas Alas para sa movie nilang Enteng ng Ina Mo na entry sa Metro Manila Film Festival.

Nagbibirong sinabi niong hindi raw halikan ang nangyari sa kanila ni Ai Ai kundi dunggulan ng kani-kanilang mga baba.

Nagbibiro ring naitsika ni Bossing Vic na si Ai Ai daw ang nag-request ng kissing scene na hindi nga halikan ang nangyari kundi banggaan ng kanilang mga baba.

***

NAG-MOVE on na si Heart Evangelista sa mga intriga na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan.

Nakapagpahinga na siya at gusto niyang maging maayos na ang lahat. Wala siyang kaaway at never siyang naging problema sa kanyang trabaho. Kaya as much as possible ay umiiwas siya sa mga pagkakataong puwede siyang ma-involve sa anumang gulo.

“Tahimik naman akong tao, di ba?  Never akong nagsisimula ng kahit na anong gulo. It`s all behind me now.
Kung anuman ang nangyari before, tapos na yun. I want to start fresh. Walang negative at positive lang tayong lahat,” nakangiting pahayag ni Heart.

Kaya noong magsimula siyang mag-host ulit ng Party Pilipinas last Sunday ay inihaNda na niya ang kanyang sarili sa anumang puwedeng mangyari dahil nandoon din si Marian Rivera.

“Hindi naman kami nagkita. Magkaiba kami ng dressing room. But if ever na magkita kami, walang problema. I can be civil naman. Happy akong tao at wala akong gustong iwanan.

“It just so happen na hindi kami nag-krus ng landas. Maliit lang naman ang mundo ng showbiz, di ba? Mangyayari rin iyon someday,” say pa ni Heart.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply