Luka-luka pero seryosong asawa ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez

NAKAIINTRIGA ang sinabi ni Robin Padilla kay Willie Revillame nang i-surprise call-in ang action star for Mariel nung i-welcome ang huli sa show ni Willie noong isang araw.

Ayon kay Robin, “Siguro ka, Willie, uuwi na ngayon ang asawa ko na hindi na umiiyak, hindi na nagkukulong sa kuwarto, at nagpapahanap na ng psychiatrist.”

Nababaliw na ba si Mariel?

“Hindi naman po yata secret sa lahat na luka-luka talaga ako!” natawang sabi ni Mariel tungkol sa sinabi ng asawa.

“Luka-luka naman talaga ako.

“Siyempre tayong lahat, sa mga ginagawa natin, siyempre meron tayong mga pinagdaraanan.

“And I am okey now, wala lang yung psychiatrist isyu na yan,” pag-iwas pa ni Mariel.

Sinagot din niya yung noong nasa ABS pa siya, lagi siyang may kamurahan sa dressing room niya.

“Hahaha, ganun lang yun, walang kahulugan, sanay na sila sa akin.

“But I really don’t want to dwell on that right now because what’s important is… I left ABS-CBN, we were in very good terms.

“I respect them so much. Napakalaki po ng utang na loob ko sa ABS.

“At sa lahat… dapat naman gano’n, e.

“At higit sa lahat, wala naman talaga akong masasabi.

“They [ABS-CBN] gave me the breaks that… I will not be here right now if it weren’t for them.

“They made me who I am.

“So, I’m really grateful for that.”

Dagdag pa ni Mariel, “No’ng time na dapat lilipat ako, hindi naman nagkulang ang ABS sa pagpapa-feel nila sa akin na gusto nila akong manatiling Kapamilya, na I’m really grateful for.

“Thank you so much.

“And, ‘di ba, we run in circles?

“Huwag puputulin ang tulay.

“And si Tito Boy, gusto ko siyang pasalamatan kasi siya talaga from the very start, naniwala siya sa akin.

“At talagang he was always there for me.

“Pero I’m excited, nasa TV5 na. I’m excited na maraming opportunities na pwedeng mangyari sa akin dito.

“And actually, because the offer really came from Kuya Willie.

“You can say everything about him na he’s like this, he’s like that.

“But Kuya Willie has really a good show,” banggit pa niya.

It’s been a year and two months na raw nagsasama sina Mariel at Robin bilang mag-asawa.

Kuwento ni Mariel, “Mas marami pa kaming nadi-discover sa isa’t isa.

“And now, alam ko na kung ano talaga ‘yong marriage.

“Hindi porke’t minsan hindi kayo naggi-get along, o hindi porke’t naggi-get along kayo lagi, ‘yong mga times na nagkakaroon kayo ng mga struggle…

“Alam n’yo naman na may matinding stuggles din kaming pinagdaanan, iyon ang mas nagpapatibay sa marriage.

“Ang unang nagustuhan ko sa kanya is kung gaano siya ka-sincere.

“Si Robin, ‘yong purpose niya, hindi para sa sarili niya, hindi para sumikat siya, hindi para sa pera.”

***

Shamcey Supsup di welcome kay Bianca Manalo sa ‘Happy Yipee Yehey’

SA PAGKAWALA ni Mariel Rodriguez sa Happy Yipee Yehey, napabalitang si Shamcey Supsup ang papalit sa kanya. Sa ngayon kasi, talagang kailangan ng bago sa HYY dahil nga nag-suffer ito nang husto sa ratings.

Pero ano itong tsismis na insecure daw si Bianca kay Shamcey na anytime raw, puwedeng magdilim ang paroroonan ni Bianca dahil sa pag-entra ni Shamcey.

Sort of national celebrity kasi si Shamcey dahil sa achievement niya, gayung si Bianca na sore loser sa Miss Universe ay tipong second rate lang. Meaning, kung papasok nga si Shamcey sa naturang noontime show, tila sasapawan niya si Bianca Manalo.

But still, insecure or not si Bianca Manalo, the show really needs a shot in the arm at kung true na idadagdag si Shamcey bilang host, mukhang malaking tulong ito for the show to be exciting again.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply