Lumaklak ng pampagana sa sex inatake sa puso

MATAPOS umanong lumaklak ng sexual enhancement tablet ay nalagutan ng hininga ang isang lalaki sa loob ng isang apartelle sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Ang biktimang si Charlie Medreno, 28, ay hindi na humihinga nang madatnan ng mga room attendant na sumugod sa iniupahang kuwarto para ito ay tulungan. Pinaniniwalaang inatake ito sa puso sanhi ng pag-inom ng tabletang pampagana sa sex.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation  and Detection Unit (QCPD-CIDU), natuklasang patay na ang biktima dakong alas-2 ng medaling-araw sa Room No. 15  ng Kyoto Apartelle na nasa Barangay Gulod, Quirino Highway sa Novaliches.

Ayon kay Julieta Huntukan, residente ng Barangay Sta. Monica, Novaliches, at kasamang nag-check in ni Medreno, bago ang insidente ay nagpunta sila sa naturang apartelle dakong alas-10 ng Biyernes ng umaga para umano magtalik.

Matapos ang ilang rounds umano ng pagtatalik, sinabi ni Huntukan na nakatulog sila sa pagod at ng dakong alas-2 ng madaling araw ay nagising siya dahil tila malamig na parang bangkay ang katabi niyang si Medreno.

Niyugyug niya ito ngunit hindi nagising kaya sa takot ay lumabas siya ng kuwarto at nambulahaw sa mga ibang katabing kuwarto ngunit walang sumagot.

Sumugod si Huntukan sa front desk ng apartelle pero malamig na bangkay na ang biktima nang kanilang datnan.

Sa pagsisiyasat ng CIDU, may natagpuan silang tabletas sa kuwarto na pinaniniwalang sexual enhancement tablet pero hindi ibig sabihin nito na isinara na ang kaso dahil maaring may naganap na foul play sa pagkamatay ni Medreno. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply