Lumalayas, umaatras na ang mga mamumuhunan

ANG kompanya mula sa Belgium na nagsagawa ng pagkalkal sa Pasig River at napurnadang parehong proyekto sa Laguna de Bay ay nagsabi na yatang aatras na sila sa pamumuhunan sa repablik ni Juan.

Tila gusto na ring sumunod ang ibang mga kompanya mula sa Europa sa gagawin ng nasabing kompanya.

Kung mangyayari ang lahat ng ito, ano-ano kaya ang mga susunod na pangyayari?

oOo

Nagtatanong tayo dahil marami tayong interes na matatagpuan sa Europa.

Malaking tindahan ito ng ating mga produkto. Bagsakan din ito ng ini-eksport nating overseas Filipino workers.

Ngayong gumegewang-gewang ang pakner natin sa negosyo na si Uncle Sam, ang Europa sana ang isang pupuwedeng pamalit bilang ating malaking pakner.

Pero sa pag-atras ng mga malalaking negosyante sa lupang kayumanggi, medyo hindi tayo mapalagay.

Sapagkat maaaring mangampanya ang mga ito laban na rin sa ating mga produkto at sa ating mga OFW.

Ano na lang ang mangyayari kung magtagumpay ang mga ito sa pagharang na rin sa iba na maglagak ng puhunan sa atin?

oOo

May dahilan ang mga negosyante.

Hindi na nga nawawala kahit ngayon ang mga tongpats, gaya ng naranasan umano ng nasabing Belgian company sa isang KKK, niyayari pa sila sa kanilang mga kontrata ng mga OJT at palaaway na nasa poder at Palasyo ngayon.

Pero higit dito, napakaliit ang Pinas para mag-aksaya sila ng panahon sa mga tongpats at awayan.

Maganda sigurong mag-esep-esep si PNoy at ang kanyang mga KKK bago magkahetot-hetot ang ekonomiya sa paglayas at pag-iwas ng mga negosyante sa Pinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply