Lumpong lolo nangmolestiya ng paslit

DAHIL sa tagal ng pagkakatali sa kanyang wheelchair ay hinanap-hanap ng isang 67-anyos na lolo ang sarap ng pakikipagtalik kaya hindi nito napigil ang pagnanasa na molestiyahin ang isang paslit kaya kulungan ang kinasadlakan nito matapos na ipagharap ng sumbong sa lalawigan ng General Santos City.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyan ngayong naka-detine sa Makar Police Station ang tigang na lolo na kinilalalang si Leonito Peodina, residente ng Apopong, General Santos City.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng GenSan PNP Police Office station, tinawag ng septuagenarian ang biktima na itinago sa pangalang Jing Jing para ibili ng sigarilyo ang suspek.

Subalit bago umano pinaalis ang bata ay hinatak muna niya ito at kinandong sa kanyang wheelchair at hinubaran umano ng short pants.

Kaniya rin umanong pinasok ang daliri sa ari ng bata at kaniya ring hinalikan sa labi.

Laking pagkakamali ng lalaki dahil nang makauwi ang sinasabing biktima ay nagsumbong ito sa kaniyang magulang na agad naming naghain ng reklamo sa tangapan ng pulisya.

Dahil dito ay agad din inaresto ang suspek na naka-wheelchair at putol ang isang paa.

Handa naman umanong panagutan ng suspek ang kaniyang nagawang krimen. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply