Maaasahang PNP generals

KUNG may ilang police generals na mabilis umaksiyon sa sumbong o reklamo ng mamamayan, dalawa sa kanila’y sina CIDG director Sammy Pagdilao, Jr. at Region 3 boss C/Supt. Edgardo Ladao.

Ipinakita na naman ng dalawang masigasig na heneral ang kanilang pagiging ‘action generals’ nang kaagad nilang inaksiyunan ang reklamo ng mga residente ng Towerville sa San Jose del Monte, Bulacan.

Actually, sumangguni ang mga taga-Towerville sa Chokepoint kung saan kanilang inireklamo ang pesteng operasyon ng dalawang video karera machines malapit lamang sa School of Nazareth School.

Ayon sa kanila,  sa bahay ng isang ‘Ramon’ at tahanan ng isang ‘Latoy’ ay lantaran ang operasyon ng dalawang vk machines. Nalululong daw ang kanilang mga anak sa pagsusugal sa lugar na ito.

Imbes na mag-aral, ang kanilang mga anak ay dito na naglalagi, ‘di na anila, pumapasok sa kanilang eskuwelahan na kalapit lang ng nasabing operasyon ng dalawang devil machine.

Ang kanilang reklamo ay ating ipinaabot kina Gen. Pagdilao at Gen. Ladao na kaagad ipinag-utos sa mga tauhan na salakayin ang gambling dens.

Maliit na hiling, subalit kaagad inaksiyunan ng dalawang magaling na police generals. ‘Di ba’t nakatataba ng puso. Kung lahat ng opisyal ng pambansang kapulisan ay ganyan, wa-problema si Gen. Nick Bartolome.

Ngunit sa kabila ng pagkakatanggal ng mga VK machine, may pangamba pa rin ang mga magulang ng mga mag-aaral ng Jesus of Nazareth School na baka ibalik ang operasyon ng nasabing vk machines.

Pero tiniyak naman na-tin sa mga residente na hangga’t si Gen. Pagdilao ang CIDG chief at si Gen. Ladao ang bossing ng  R-3 walang sugalan sa kanilang lugar na maaring puntahan ng kanilang mga anak.

Ganyan kasi ang laki ng paniniwala ng Chokepoint sa dalawang heneral na ito.

GREETINGS

Belated Happy birthday kay Magnolia F. Dollar na nagdiwang ng kaarawan noong Oct. 24. Mula sa iyong nagmamahal na  bunsong kapatid Selina Denise Dollar, papa Randy at Mama Neneng.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply