Maaksyong tambalan nina Mel Tiangco at Arnold Clavio sa Sanib-Pwersa

SA TAKBO ng kwento ng Munting Heredera, palalim nang palalim ito. Nang malamang si Jennifer ang Heredera, nawala pa ito kaya lungkut na lungkot ang mga magulang ng bata na ginagampanan nina Mark Anthony Fernandez at Camille Prats.
000
Live na Live ang Manny Manny Prizes last week sa Sky Dome ng SM North Edsa. Hosts habang wala si Manny sa bansa dahil may laban siya sa Nov. 13 sa Las Vegas kay Juan Manuel Marquez sina Cesar Montano, Dingdong Dantes at Carla Abellana.
Siyempre, andun pa rin ang regular co-host ni Manny na sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Pekto, at iba pa. Mas malalaking premyo ang ipinamigay sa mga fans kaya tuwang-tuwa silang umuwi.
Mismong si Manny ang nagpakita sa show via Skype mula sa Los Angeles, California. Bukod pa sa all star cast ang show na pinagsanib pwersa ng soap opera ng GMA7, duma -ting ang stars na kinabibilangan ng casts ng Futbulilit, Iglot, Amaya at Time of My Life.
000
Si Favio Ide raw ay in love ngayon. May bagong babaeng pinupormahan ang Brazilian-Japanese model turned comedian/actor sa Pilipinas. Siya lang kasi sa mga katribu ni -ya ang matagal ng loveless.
Hindi po nagseselos si Eugene Domingo na isa sa main host ng Comedy Bar, ang prog- ramang pinagsasamahan nina Eugene, Allan K at Fabio.
000
KAHit super busy si Chris Tiu sa paglalaro ng basketball para sa kanyang SmartGi- las team ng basketball, na pambato ng Pilipinas sa international tournaments at paghu-host ng Ripley’s Believe It Or Not, sige pa rin siya sa pag-aasikaso ng sari- li niyang business at laging may oras siya para rito.
Ngayong week sa Ripleys, abangan ang kahindik-hindik na kwento ng buhay na aakalain mong di magagawa ng karaniwang tao.
000
Mapapanood na every Sunday evening right after the Protege ang much-awaited na prog -rama nina Mel Tiangco at Arnold Clavio, ang Sanib Pwersa.
Tatalakayin this week ang estorya ng isang taong putol ang isang binti, nagkabali-bali ang mga buto, at halos hindi gumagaling na mga sugat bunga ng mapait na bangga -an ng dalawang truck sa kahabaan ng Lungsod ng Batangas kamakailan.
Ang isa sa mga drivers, naipit ang kalahating bahagi ng katawan matapos tumaob sa kalagitnaan ng kalsada ang minamanehong truck, habang ang ilang pahinante’y tumila- pon naman at nagtamo ng mga pinsala matapos maipit rin sa tumaob na sasakyan.
Isang masaklap na trahedya ang bawat aksidente sa kalsada. Masuwerte pa rin daw ang mga biktima ng naganap na salpukan dahil hindi napatid ang pising nagdurugtong sa kanilang buhay at kamatayan. Pero pagkatapos ng sakuna, ano nga bang buhay ang naghihintay sa kanila?
Sa unang pagtatanghal ng SANIB PUWERSA, raratsada na ang mga maaksyong eksena at mga kuwentong nagbibigay ng panibagong pag-asa. Bibisitahin ni Mel Tiangco ang mga biktima ng trahedya para alamin ang kanilang mga kalagayan at pangangailangan.
Sisiyasatin naman ni Arnold Clavio ang sanhi ng nangyaring sakuna. Babalikan din niya ang pinangyarihan ng lahat at aalamin kung paano mas magiging ligtas ang bya- he ng mga motorista.
Magkakasama na sina Mel Tiangco at Arnold Clavio tuwing Linggo, ganap na 9:15 p.m. sa pagbibigay ng aksyon at pag-asa sa programang SANIB PUWERSA pagkatapos ng Prote- gé sa GMA7.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply