Maayos na libing sa 8 NPA na napatay sa Abra

IPINAG-UTOS ngayon ng ni Philippine Army chief Ltgen Arturo Ortiz na bigyan ng maaayos na libing ang walong miyembro ng New People’s Army na namatay sa sagupaan kahapon (Oktubre 10) sa Abra.

Ang bangkay ng walong rebelde ay nai-turn over na sa kani-kanilang pamilya.

Kabilang sa walong rebeldeng napaslang ng militar ay sina: Loverito Bernal alyas Oxy, commanding officer ng Kilusang Larangang Guerilla North East, Abra Party Committee; isang Ka Ogie, NPA amazon at medical officer; Reynaldo Masadao alyas Cris at Junjun Balbin alyas Ka Recit, na parehong nasa listahan ng order of battle; Ka Omeng o Ka Bunso (TNU); Ka Berlyn at isang pang amasona na kinilalalang si Winnie.

Pinahatid ni Gen Arturo Ortiz ang kanyang pakikiramay sa mga kamag-anak ng mga namatay kasama na ang pamilya ng sundalong nasawi na si Cpl Lloyd G. Tega.

“I call on our brothers in the rebel movement to return to the folds of the law and take part in the peaceful resolution of this insurgency problem,” ani Ortiz na ginawaran ng medal of valor award dahil sa pag-neyutralisa ng napakaraming rebelde.

Naganap ang sagupaan bandang alas-7:45 ng umaga sa Barangay Caganayan, bayan ng Tineg ng nabangit na lalawigan.

Nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga elemento ng Army 41st Infantry Battalion ng makasagupa ang may 20 miyembro ng NPA.

Sa isinagawang clearing operation ay tumambad ang walong bangkay ng mga rebelde at nasamsam din ang walong high-powered firearms sa pinangyarihan ng engkwentro na kinabibilangan ng isang  M16 assault rifle, apat na M653 baby armalite, isang M-14 assault rifle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply