Mag-ama, helper patay sa sunog sa Las Piñas

PATAY ang tatlo katao, kabilang ang mag ama at kanilang helper nang masunog nang buhay matapos lumagablab ang kanilang apartment sa Las Piñas City kaninang madaling-araw.

Unang nadiskubre ang bangkay ni Shiela Wang, 28, sa ibaba ng dalawang palapag ng nasunog na establisimiyento sa Marcos Alvarez, Talon Uno na sinundan ng pagkakatagpo sa bangkay ng kanilang helper na si Ben Tanio, 45, matapos maapula ang apoy dakong 5:55 ng madaling-araw.

Huling nakita ang bangkay ng ama ni Shiela na si Michael, 52, natabunan ng gumuhong materyales sa loob ng pag-aari nilang auto supply.

Lumabas sa pagsisiyasat ni FO1 Karl Jeffree Campanan ng Las Pinas Fire Station na nagsimula ang sunog sa mismong auto supply na pag-aari ng biktima dakong 1:40 ng madaling-araw na hinihinalang sanhi ng pagsabog ng charger ng baterya ng sasakyan.

Nadamay din sa sunog ang katabi pang establisimiyento na pagawaan ng aluminyo at salamin, pati na ang katabing tarpaulin shop kaya itinaas ng Bureau of Fire Protection sa ikalawang alarma ang sunog.

Napag-alaman na nagawa na umanong makalabas ni Michael sa nasusunog na auto supply subalit muling bumalik sa loob upang iligtas ang anak na natuklasan niyang naiwan pa sa loob ng establisimiyento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply