Mag-anak ang tulak ng tobats sa Tanauan

WALANG tigil  ang pagbebenta ng ‘tobats’ (shabu) ng isang mag-anak sa Tanauan, Batangas.

Parang kendi lang daw kung ibenta ng mga magkakapatid na sina Bogart, Jun-jun, Neil at kanilang amang si Mang Cardo ang shabu sa kanilang lugar.

Bukod sa pagbebenta ng tobats ng ama ng magkakapatid na si Mang Cardo ay may negosyo rin itong mga video fruit game na kalimitan ang mga kliyente ay pawang mga drug addict.

Grabe ang bentahan ng tobats sa bayang ‘yan dahil walang pakialam ang mga kapulisan ke maging drug addict ang mga tao riyan.

Ultimo ang alkalde ng Tanauan na si Mayor Sonia Aquino ay dinededma lang ang mga reklamo sa kanya ng kanyang mga kababayan.

Mayor Aquino, basahin ninyo itong nilalaman ng  reklamo ng isa sa mga constituent mo.

Gud pm, Sir Johnny. Ako po ay isa sa mga masusugid ninyong tagasubaybay ng Juan de Sabog.

Araw-araw akong bumibili ng Remate. Gusto kong ireklamo ang sobrang bilihan ng shabu rito sa Tanauan, Batangas sa Brgy. 4 sa riles.

Mag-anak ang nagtutulak dito ng shabu. Ito ay sina Bogart, Junjun at Neil na pawang magkakapatid. Maging ang kanilang ama na si Mang Cardo ay may negosyong fruit game.

Sana, Sir Johnny, matigil na ang mga kalokohan sa kanilang lugar na kung saan ang mga kliyente nila ay ang mga drug addict na walang ginawa kundi ang mag-fruit game nang buong magdamag.

Prostitution sa Matalica Disco

Sa Quezon City ay walang tigil ang operasyon ng human trafficking sa Metalica Disco sa Quezon Ave.

Ginagawang ‘motel’ ang mga VIP room dito ng mga babaeng gumigimik sa kanilang mga kostumer.

Parang simpleng casa na at di na entertainment ang naturang club.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo.com juandesabog

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply