Mag-armas laban sa riding in tandem

NAGULANTANG tayo kahapon ng umaga sa mga balitang dikit-dikit na pagpatay ng mga riding in tandem at iba pang kawatan.

Opkors, kasama sa mga gumawa ng mga krimen ang nanloob sa jewelry shop sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng hapon.

Pumatay ang mga ito ng guwardiya at gud-nyus naman ang pagkakadale sa dalawa sa mga kawatan na nagpasabog pa ng granada sa kanilang pagtakas.

Magkasunod din ang mga kasong pagpatay ng mga riding in tandem sa isang ama sa Quezon City at isang bank manager sa Alicia Isabela.

Riding in tandem na holdaper din ang dumale sa isang tahanan sa Marikina at mabuting isa sa mga ito ang nalaglag sa kamay ni kamatayan.

oOo

Talaga namang perhuwisyo, Suki, ang mga riding in tandem na yan.

Basta na lang sila pumapatay sa iba’t ibang kadahilanan.

Dahil dito, magandang ngipin sa ngipin at mata sa mata ang isasagupa sa kanila.

Kung kinakailangang mag-armas ang mamamayan ay dapat na payagan ng mga awtoridad.

oOo

Ang sabi, klase-klase ang mga riding in tandem.

Bigla nating naalaala ang mga tinatawag na 12 PARES ilang taon lang ang nakararaan.

Grupo pala ng mga pulis ang mga ito at sila ang tumitira sa mga nagdedeposito at nagwi-withdraw sa mga bangko at nabulgar lang sila nang makapatay sila ng bata na anak ng hinoldap nila sa Taytay, Rizal.

Tatlo lang ang nakilala sa mga ito noon at ewan natin kung ano ang nangyari sa kaso nila.

Kasama rin ba ang mga ito sa mga riding in tandem ngayon, General Nick Bartolome, Sir?

Makatutulong ba kayo, heneral, sa pag-aarmas ng mga sibilyan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply