GMA, FG, sinampahan ng electoral sabotage

KINASUHAN ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ng electoral sabotage sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang kanyang asawang si Mike Arroyo at 10 iba pa dahil sa pakikipagsabwatan para maikasa ang pandaraya noong 2007 elections.

Sa isinampang kaso kanina sa Department of Justice-Comelec task force investigating panel, sinabi ni Pimentel na ang nasabing dayaan ay humantong sa “erroneous proclamation of a non-winner,” patungkol sa nangyari kay Juan Miguel Zubiri.

Maalalang binakante ni Zubiri ang kanyang posisyon para bigyang daan ang pag-upo ni Pimentel matapos may lumutang na mga testigo para patunayan na ang huli ang nanalo. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply