Mag-asawang Ligot, ipinaaaresto ng Korte

IPINAAARESTO na ng Court of Tax Appeals (CTA) si dating AFP comptroller Jacinto Ligot  at ang kanyang may-bahay na si Erlinda.

Ang kautusan ng korte  ay makaraang mapatunayang may probable cause para panagutin ang mag-asawang Ligot sa kasong tax evasion sa isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa  resolusyon ng tax court na promulgated noon pang September 28, 2011 at kanina lamang ipinalabas sa publiko, nilabag ng mag-asawang Ligot ang probisyon ng National Internal Revenue Code na Articles 254 and 255  na nagsasaad ng hindi pagbabayad ng buwis mula 2002 hanggang 2004.

Sa nabanggit ding resolusyon, nagtakda ng P20,000 piyansa ang tax court para sa pansamantalang paglaya ng mag-asawang Ligot habang nililitis ng husgado ang kanilang kaso.

Base naman sa inihaing reklamo ng BIR noon sa Department of Justice, umaabot sa P153.2-M ang tax deficiency ng mga respondent na sumasaklaw lamang sa mga nabanggit na taon.

Gayunman, mariing itinanggi ng mag-asawang Ligot ang akusasyon ng BIR dahil sa anila ay dokumentado nilang pagbabayad ng buwis sa mga nabanggit na petsa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply