Mag-asawang Ligot ipinatutugis na rin sa NBI

PINATUTUGIS na rin ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawang Ligot, ngayon ay pinaghahanap pa rin ng awtoridad.

Una nang pinaaresto ng Court of Tax Appeals  ang dating Armed Forces of the Philippines Comptroller Jacinto Ligot at misis na si Erlinda dahil na sa tax evasion case na isinampa sa kanila ng korte.

Sinabi ng de Lima na maging ang NBI ay inutusan na rin niyang hanapin at arestuhin ang mag-asawang Ligot kung saan batay sa rekord sa Bureau of Immigration ay hindi pa nakalalabas ng bansa.

Dapat aniyang masilbihan ng arrest warrant ang mag-asawang Ligot habang nasa Pilipinas pa sila.

Maging ang PNP ay naglunsad na rin ng malawakang pagtugis kina Ligot kung saan nagpakalat na ng tracker teams ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Samantala, sinabi naman ni BI Spokesperson Maria Antonette Mangrobang na kung sa record ng airports ang pagbabatayan ay nasa bansa pa sina Ligot.

Gayunman, kanila pa ring sinusuri ang mga pantalan sa bansa kung roon dumaan ang mga Ligot para makatakas

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply