Mag-asawang Mikey, Angela Arroyo nagpiyansa na

WALANG warrant of arrest na maaaring ipalabas ang korte dahil naglagak na ng kanilang piyansa ang mag-asawang sina Ang Galing Pinoy Party-list Mikey at Angela Arroyo kaugnay sa tax evasion case na kinakaharap nila sa Department of Justice.

Pasado alas-10:00 kaninang umaga ng magsadya ang mag-asawang Arroyo kasama ang kanilang abogadong si Atty. Ruy Rondain sa branch 100 ng Quezon City Regional Trial Court sa sala ni Judge Jacob at naglagak ng halagang P200,000-piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Nauna ng may isinampang kaso laban sa kanila ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa DOJ dahil sa pagkabigong magbigay ng tamang impormasyon ang mag-asawa ukol sa kanilang kinita ng may ilang taon.

Ayon kay Rondain, dahil nagbayad na ng piyansa ang kanilang kliyente sa korte ay hindi na rin magpapalabas pa ng warrant of arrest ang korte kung saan boluntaryo namang sumuko ang mag-asawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply