Mag-asawang negosyante patay sa riding-in-tandem

NAPATAY ang mag-asawang negosyante nang barilin ng dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo kaninang madaling araw sa Barangay Cangrunaan, Batac City, Ilocos Norte.

Ang mag-asawa ay kinilala na sina Ferdinand at Jocelyn Arevalo, residente sa nabangit na lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na pupunta sa palengke ang dalawa upang magbenta ng kanilang mga panindang karneng baboy.

Nakalabas na ang mag-asawang Arevalo nang dumating ang suspek na riding-in-tandem at pinagbabaril ang mga biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na ang mga suspek ay sakay sa isang asul na Honda Wave na motorsiklo at tumakas matapos ang pamamaril sa mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga PNP Batac City upang matukoy kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo ng krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply