Mag-asawang parak nagbarilan, mister tepok

PATAY ang isang pulis matapos makipagbarilan sa asawa rin nitong pulis makaraang mag-away madaling-araw ng Oktubre 19.

Nabatid na dead on arrival sa Gensan Doctor’s Hospital si PO1 Danson Banas makaraang mabaril ng kanyang asawa na si PO1 Rowena Banas bandang alas-3:00 ng madaling araw.

Si Danson ay nagtamo ng tama sa ulo na tumagos sa bandang likod na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nabatid pa na nag-away ang mag-asawang pulis na nagresulta ng pagbaril ng babae sa biktima kung saan agad na nahuli ang suspek na na nakadestino bilang driver ng deputy city director for operation na si Col. Rolando Octavio.

Nakatalaga naman ang biktima sa Tinagacan PNP.

Patuloy pang inaalam ngayon ng mga imbestigador ang naging ugat sa pag-aaway ng mag-asawang pulis.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply