Mag-ina pinatay sa UP Diliman

NATAGPUAN ngayong hapon ang umaalingasaw na bangkay ng isang mag-ina sa kanilang bahay sa  loob ng University of the Philippines (UP) Village Diliman, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City police ang mga biktima na sina Jodie Magsakay, 7-anyos at ina nitong si Edna Macaraeg, 38-anyos, pawang residente ng Green Tom Garden C.P. Garcia Barangay, UP Village, na naturang lungsod.

Ayon sa Quezon City Police District station 9 Anonas, ang -magina ay posibleng biktima ng murder na hinihinalang dalawa hanggang tatlong araw nang patay.

Sinabi ni PO2 Rey Bumata, hinihinalang ang live-in partner ng ginang ang siyang suspek sa naturang krimen dahil bigla na lang itong naglaho.

Natagpuan ang bangkay ng bata sa kama nito habang ang ina naman ay pinagkasya sa aparador.

Ang pagkakadiskubre sa mga biktima ay matapos na puntahan ito ng mga kamag-anak sa kanilang bahay dahil ipinagtataka nila at ng mga residente kung bakit hindi lumalabas ang mag-ina sa kanilang bahay.

Gumugulong na ang imbestigasyon upang matukoy kung sino talaga ang nasa likod ng pamamaslang sa mag-ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply