Mag-utol sinalakay, kinatay ng may sayad

PINAGTATAGA na parang hayop ang magkapatid na magsasaka sa kani-kanilang bahay matapos magkasunod na salakayin ng suspek na hinihinalang may sakit sa pag-iisip sa Sarangani sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, patay ang magkapatid na Arenio, 48 at Mahalim Labiton, 70, kapwa ng Glan, nabangit na lalawigan.

Agad namang nadakip ang suspek na si Aboy Labudo, 35, ng Brgy, San Isidro, Jose Abad Santos, Davao Del Sur at kasalukuyang nakapiit sa Glan Police Station.

Sa report na isinumite ni P/Chief Insp. Jaime Tabucon, hepe ng Glan PNP, itinawag sa kanilang himpilan ang isang insidente ng pananaga.

Subalit sa pagresponde ng awtoridad, duguang bangkay na lamang ng magkapatid ang kanilang nadatnan.

Nabatid sa paunang pagsisiyasat na isa-isang pinasok ng suspek ang bahay ng magkapatid at pinagtatataga ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakdang ipasuri sa doktor ang suspek matapos na dalhin sa PNP station.

Patuloy pang inimbestigahan ng awtoridad ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply