Magandang panahon ngayong weekend – PAGASA

MAGANDANG panahon ngayong weekend ang aasahan ng lahat dahil tuluyang nang lumayo sa Pilipinas ang bagyong Ramon.

Ayon sa PAGASA, matapos lumabas kaninang umaga sa Philippine area of responsibility ang bagyo ay wala ng iba pang sama ng panahon na namumuo sa karagatang Pasipiko.

Sa satellite image ng Pagasa, kunting kaulapan lamang ang makikita sa bahagi ng Mindanao.

Maliban sa northern at central Luzon na umiiral ang wind convergence kaya’t inaasahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply