Magat Dam nagdagdag ng pinapakawalang tubig

NAGDAGDAG ng pinakakawalang tubig ang Magat Dam sa Ramon, Isabela kaninang umaga.

Sinabi ni Sonia Serrano, hydrologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), alas-6:30 ng umaga nang nagpakawala sila ng isang metro pero kaya pa naman itong saluhin ng ilog sa ibaba.

Bukas pa rin naman aniya ang Ambuklao, Binga at San Roque Dams. Isang gate ang nakabukas sa San Roque o 1.5 meters, nasa 1.10 meters ang Binga o dalawang gate ang nakabukas, habang 0.5 meter ang Ambuklao Dam o isang gate

Samantala plano namang magpakawala ng tubig ng Ipo Dam sa Bulacan matapos umakyat sa critical level ang antas ng tubig nito dahil sa magdamag na pag-ulan.

Ayon kay Ipo Dam Supervisor Engr. Hermy Medrao, kasalukuyang nasa 100.70 meters na ang elevation ng Ipo Dam at isang talampakan na lamang bago mag-overflow.

Nilinaw naman ni Medrao na hindi masyadong makaaapekto ang tubig sa mga kalapit na lugar ng dam dahil maliit na antas lamang ang kanilang inilabas. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply