Mag-hipag timbog sa PDEA

NAHULI sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang maghipag sa lungsod ng Naga sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Pinky Barrameda, 21 at Joan Escano, 23, pawang mga residente ng Barangay Dugcal, Camaligan, Camarines Sur.

Ayon kay PDEA Agent Denber Mabolo, nakuha sa dalawa ang 1.146 gramo ng shabu.

Pilit pa umanong itinatanggi ni Escano na may kinalaman siya sa pagbebenta ng shabu at sinabing pilit lang siyang isinama ng hipag na si Barrameda. Sa kabilang banda naman ay kaagad na inamin ni Barrameda ang pagbebenta ng droga dahil sa gusto lang umano niyang kumita.

Sasampahan ang dalawa sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply