Magkapatid utas sa ambush sa Iloilo

PATAY ang isang magkapatid nang tambangan ng hindi nakilalang mga lalaki habang papauwi sa kanilang bahay sa San Rafael, Iloilo kaninang alas-12 ng tanghali.

Kinilala ang magkapatid na sina Rolly at Grace Napacia  habang sugatan naman ang isa pa nilang pinsan, pawang ng Bgy. Bagacay, nasabing lalawigan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na papauwi ang magkapatid sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek, bago nagsitakas.

Hinala naman ng pulisya na away sa lupa ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply