Magkapatid utas sa riding in-tandem sa QC

UTAS ang isang magkapatid makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa kanilang lugar sa Quezon City kaninang hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Gilbert Bernardino at ang kapatid nito na si Jason, kapwa binawian ng buhay makaraang isugod sa Quezon City General hospital.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong 3:30 ng hapon kanina sa Corumi St., Bgy. Masambong, QC.

Nabatid kay PO3 Greg Maramag naglalakad umano ang magkapatid sa kahabaan ng Corumi St., pauwi na sa kanilang bahay nang biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo at agad na pinagbabaril ang magkapatid.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek at iniwan ang mga duguang mga biktima.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply