Magpa-file na raw ng annulment ang materialistic na si Jinkee?

MAGPA-FILE na raw ng annulment ng kasal nila si Jinkee Pacquiao. Hindi na raw nito nakaya ang pagkakaroon na naman ni Manny ng isa pang anak sa labas. Ni hindi na nga raw pupunta sa Las Vegas si Mrs. Pacquiao para panoorin dun ang laban ng sikat at bilyonaryo n’yang mister.

Ang mga kaibigan nga pala naming sina Edgar Cruz at Justin Mata ang naka-scoop ng balitang pagpa-file ni Jinkee ng annulment. Inilabas nila yon nung October 29 sa website nilang Todo Entertainment.

Nakuha ni Ed ang scoop dahil may kaibigan siyang may anak na ikakasal at kabilang sina Manny at Jinkee sa mga ninong at ninang. Nagpaabiso daw si Jinkee na ayaw na n’yang dumalo sa kasal — dahil ayaw na raw n’yang magkaroon pa ng kinalaman kay Manny. Ipo-proxy na lang si Jinkee ng isa sa mga kapatid ni Manny.
Dahil nasa US na ngayon ang greatest and wealthiest Pinoy boxer, pati siya ay ipo-proxy din lang ng mga kapatid n’ya.

Sa totoo lang, di kami naniniwalang seryoso si Jinkee na pangangatawanan n’yang magpa-annul ng kasal nila. Masyado siyang materialistic para matalikuran ang pagpapasasa n’ya sa bilyones ni Pacquiao. Di naman siya milyonarya bago siya pakasalan ni Pacquiao. Ni yung lumang itsura nga n’ya, hindi n’ya natiis, kaya’t ang una n’yang ginawa ay ipabago ang itsura n’ya para maging kamukha n’ya ang sportscaster na si Dyan Castillejo na alam n’yang kinahuhumalingan din nang mister n’ya sa talino at ganda.

May feeling kaming alam ni Jinkee na papayag si Manny na i-annul ang kasal nila para maging malaya na siyang asawahin at anakan kahit sino. Sinira na ng bilyones ni Manny ang sarili n’yang values. Lahat ng pwedeng bilhin ng salapi, pagpapasasaan ni Manny. At ganu’n din naman si Jinkee.

At habang may bilyones si Manny Pacquiao, marami pang babaeng magpapaanak sa kanya. Tiyak na ang dami pa n’yang ibang pinatulan na hindi nabuntis. Malamang na pati ang mga yon ay malaki ang napala kay Manny.
Laganap na kasi ang paniniwalang okey lang ang maging parausan ng mayayaman, basta nadudungisan din ng limpak-limpak na yaman! Pati nga mga artista, pumatol sa kanya. Mga artistang noon pa man ay may reputasyon ng prostitution ang main job at pampataas lang ng market value nila ang pag-aartista nila. At yung mga artistang yon, kung boba silang magsalita nung nagsisimula silang mag-artista, boba pa rin sila hanggang ngayon kahit na naligid na nila ang mundo at may bahay na sila sa US. (Para rin silang mga showbiz reporter na pagkarami-rami nang nasabitan na foreign trips na libre, mukha at tunog mga alalay pa rin. Dugyot na dugyot pa rin ang mga itsura!) (Hahahahaha! Ang taray! – Ed)

* * *

Heto pang isang tsika namin tungkol sa pinakasikat at pinakamayamang boksingerong Pinoy…

May public service commercial pala si Manny Pacquiao kung saan ini-endorse n’ya ang pagkain ng bigas na mais. At kung never n’yo pang napanood yon, that’s because sa PTVN 4 at sa sequestered networks na RPN 9 at IBC 13 lang ipinapalabas yon. Pag nagsasawa na kasi kami sa panonood sa major networks at sa cable stations, nagtyu-tune in kami sa underdog networks, including UNTV 37, NET 25, GEM TV, pati na yung sa Davao-based televangelist na si Apollo Quiboloy.

Totoo kayang hanggang ngayon ay bigas na mais pa rin ang kinakain ng bilyonaryong boksingero? Yun ang sabi n’ya sa public service commercial na yon.

Sa Visayas region at sa maraming lugar sa  Mindanao, bigas na mais daw ang staple food, hindi bigas na palay. For some reasons, mas mura ang bigas na mais kumpara sa bigas na palay, so there’s a notion na pang-mahirap ang bigas na mais. But then, there’s the belief na mas nourishing ang bigas na mais kesa sa bigas na palay, kaya ipinu-promote ng gobyerno ang pagkain nito, lalo na sa panahong may rice (palay) shortage sa bansa.

Actually, natutuwa kami sa pag-i-endorse ni Pacquiao ng bigas na mais, at sana nga ipalabas din ng major networks ang public service commercial na yon para nga sumikat ang pagkain n’yon. At saka para malaman ng madlang Pinoy na hindi lang naman mga produktong may milyones na pambayad sa kanya ang ini-endorse n’ya kundi pati ang mga wala ring pambayad.

Sana nga pati pagkain ng kamote bilang rice substitute, i-endorse n’ya rin. Sa Mountain Province at sa iba pang Northern Luzon provinces, sikat ang kamote bilang staple food na alternative sa palay rice. Again, the camote root crop is supposedly more nutritious kaya walang masama kung yun ang makahiligan nating kainin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply