Magpipinsang dalagita nasagip sa prostitusyon

NASAGIP ng pinagsamang puwersa ng Navotas City Police at San Pablo, Laguna Police ang magpipinsan na dalagita na ipinasok sa beerhouse Biyernes ng hapon (Oktubre 21).

Naibalik na sa kani-kanilang mga magulang ang mga biktimang edad 14, 15 at 16, pawang ng Phase 3, Malabon City.

Nadakip naman si Edwin Bautista, 29, ng Phase 2, Navotas.

Lumalabas na noong Oktubre 17, 2011, hinikayat ng suspek ang mga biktima na mamasukan bilang katulong sa San Pablo, Laguna.

Pumayag naman ng mga biktima subalit sa halip na katulong ay ipinasok ang mga ito bilang guest relation officer sa isang beerhouse sa San Pablo, Laguna.

Nang makarating sa mga magulang ng mga biktima ang nangyari ay agad na humingi ng tulong sa Navotas Police.

Kahapon, dakong alas-4:00 ng hapon ay nagkipag-ugnayan ang Navotas Police sa San Pablo Police at pinuntuhan ang beerhouse na naging dahilan upang maisalba ang mga biktima at madakip si Bautista. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply