Magsasaka kinuyog ng bubuyog

PATAY ang isang magsasaka matapos atakehin ng mga bubuyog sa Gingoog City, sa Misamis Oriental.

Nabangga ni Jimmy Almazon, 48, ang pukyutan habang nag-aani ito ng copra kaya nabulabog ang mga bubuyog.

Tinadtad ng kagat ng mga naturang insekto ang magsasaka mula ulo hanggang paa.

Isinugod si Almazon sa Gingoog Hospital at inilipat sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan De Oro subalit hindi na ito naisalba ng mga doktor. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply