Magtiyo patay sa baha sa Calumpit, Bulacan

NAREKOBER ng awtoridad kaninang umaga ang bangkay ng isang lalaking nalunod habang may bitbit ng pagkain para sa kanyang naipit na kamag-anak sa binahang bayan ng Calumpit sa Bulacan.

Sa ulat, namatay ang biktimang si Fred Tolentino, 34, nang tumaob sa baha ang kanyang sinasakyang bangka habang pabalik na ito sa kanyang bahay mula sa pagdadala ng pagkain para sa kanyang na-stranded na kamag-anak sa Barangay Sta Lucia.

Nauna nang narekober nitong nakaraang Linggo ng gabi ang bangkay ng pamangkin nito na kasama niyang nalunod.

Ang Bulacan ay isa sa mga probinsyang tinamaan ng todo ng Typhoon “Quiel” (international name: Nalgae) dahil mayroon na itong 6 na kaswalidad mula sa Calumpit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply