Mahal na langis, EVAT harang sa pagtulong

GUSTONG tumulong ang maraming mamamayan at negosyante sa mga biktima ng kalamidad.

Ngunit alam ba ninyo na may umatras sa kanila dahil sa mahal na petrolyo at expanded value added tax sa North Luzon Expressway?

May buntot pa na mura laban kay PNoy at mga tsuwariwap nito.

oOo

Naganap ang pagkilos ng mga gustong tumulong sa isang lugar sa Sta. Maria, Bulacan.

May mga mamamayan na nag-ipon ng mga pagkain, tubig, damit, gamot at iba pa na pupuwedeng dalhin sa mga kinakalamidad sa mga bayan ng Hagonoy at Calumpit sa Bulacan at iba pang bayan hanggang sa Pampanga.

May kontak na rin ang mga ito na may-ari ng mga dump truck.

Sa huli, napurnada ang biyahe. Bakit? Umatras ang may dump truck.

Nagsarbey kasi sila sa NLEX bago sila maglabas ng dump truck.

Bumulaga sa kanilang mata ngayon ang naglalakihang tatak ng EVAT sa toll gate ng NLEX.

Dahil dito, umatras ang may dump truck at bigla na rin nitong naalaala na mahal din ang petrolyo.

oOo

Malumanay man ang salita ng may-ari ng dump truck, sinabi nitong walang kuwenta ang tumulong kung hindi man lang luluwagan ng pamahalaan ang mamamayan sa oras ng kalamidad.

Hindi na nga umano nito sinuspinde ang EVAT sa toll, lalong hindi nito binawasan ang P15 kada litro na EVAT din sa langis.

Tumindig ang balahibo natin, Suki.

Paano ngayon ang mga nagugutom, nilalamig, maysakit at nasa panganib ang buhay na biktima ng kalamidad?

Gusto nating iyakan ang kalagayang ganito.

Ngunit higit nating naisip na iulat ito para makarating sa mga kinauukulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply