Mahihinang team makatatapat ng Jr. Azkals

MAKAKASAMA ang Philippine men’s Under-23 football team sa Group B sa 2011 Southeast Asian Games sa Jakarta, Indonesia kung saan taglay ang hindi naman masyadong mababangis na teams.

Kahanay ng Filipino booters sa Group B ang Vietnam, Myanmar, Laos at Timor Leste matapos ang isang draw ceremony na idinaos s aRCTI television network studios sa Jakarta.

Itinuturing naman ang Group A na “group of death” dahil naririto ang Southeast Asian powerhouses Malaysia—na siyang defending SEA Games champion—Thailand, host Indonesia at ang Singapore na kasama sa naturang bracket.

Panglimang team naman sa Group A ang Cambodia.

Mabibigat din naman ang nasa Group B na kinabibilangan ng Vietnam na silver medalist sa 2009 Laos SEA Games, Laos at iba pa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalaro ang Philippines sa SEA Games men’s football competition.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply