Mahistrado ng SC pinagbibitiw sa urong-sulong na desisyon

PINAGBBIBITIW ng isang madre ang mga mahistrado ng Korte Suprema kaugnay ng pagbawi nila sa kanilang naunang desisyon na nagsasabing iligal ang pagtanggal ng Philippine Airlines (PAL) management sa 1,400 miyembro ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) dahil lamang sa teknikalidad.

Ayon kay Association of Major Religious Association of the Philippines (AMSP) Chairperson Sr. Mary John Mananzan, na dapat mabitiw ang mga mahistrado “for delicadeza” dahil nakahihiya at nakadidismaya ang kanilang ginawa.

Aniya, dahil sa mga ganitong desisyon ay hindi malayong tumaas ang bilang ng mga magrerebelde sa bansa.

“I am really so disgusted! At anu ba yan? Supposedly they are the last resort so ang mga tao na nawalan ng trabaho ay nabuhayan ng loob matapos pumabor sa kanila ang Korte Suprema. At ng kaso na ito ay involving so many people at saka, bakit? Sa sulat lang ni Atty. Mendoza papalitan nila o babawiin nila ang kanilang naunang desisyon? Ano ba nila si Mendoza? Ano ba yan? Anong klase ba naman ang Supreme Court natin?” bahagi ng pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam ng church-run  Radyo Veritas.

Nadismaya rin si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-NASSA chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa urong-sulong o pagbawi ng Korte Suprema sa desisyon nitong with finality.

Anang obispo, lumalala na ang ginagawang paglapastangan ng court of last resort sa sistemang legal ng Pilipinas dahil padami na nang padami ang kanilang desisyon na hindi tuwirang nagsisilbi sa kapakanan ng mga manggagawa at mamamayan na aniya ay pagyurak sa dangal ng tao.

Nangangamba rin ang obispo na tuluyan ng mawala ang kredibilidad ng Korte Suprema kasabay ng pagkawala ng tiwala at pag-asa ng taongbayan sa Kataas-taasang Hukuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply