Maja Salvador, Matteo Guidecelli maiangat kaya si Kim Chiu?

ISA pa sa pinaka-aabangan ngayon ay kung katanggap-tanggap pa ng mga tagahanga ang relasyong Maja Salvador at Matteo Guidicelli sa telebisyon. Sa pagtatapos kasi ng teleserye ni Maja kasama si Coco Martin, ang “Minsan Lang Kitang Iibigin” at sa pagbabalik ng young actress mula sa United States kung saan ay nagkaroon ito ng series of shows ay sasabak na ulit sa aktingan si Maja.

Join na kasi ang byuti niya sa “My Binondo Girl” ni Kim Chiu na mapapanood sa ABS-CBN 2 pagkatapos ng “100 Days To Heaven.” Si Maja ang bagong dagdag sa cast samantalang ang boypren niyang si Matteo ay original cast na ng naturang teleserye.

Makatulong kaya ang pagsasanib-pwersa ng magdyowang Maja at Matteo para lalong lumakas ang rating ng My Binondo Girl. Tsika kasi na hindi epektibo ang gulong namagitan kina Maja, Matteo at Coco Martin para mag-klik sa takilya ang pelikula ni Maja na “Thelma” na lumabas sa mga sinehan pagkatapos ng mainit na ‘sagupaan’ nina Coco at Matteo.

*****

ISA lang talaga ang Superstar at yan ay si Nora Aunor na muli naman niyang pinatunayan ang pagiging makamasa niya nang humingi siya ng despensa sa mga naapektuhan sa cover pictorial niya para sa Yes Magazine kung saan ay black and white ito at pansin na pansin ang hawak na sigarilyo ni Ate Guy.

Ngayong seryoso ang gobyerno sa kampanya laban sa paninigarilyo, hindi naging maganda ang dating ng naturang cover ng Superstar sa mga mapanuring mata ng Philippine Medical Association (PMA) at umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa lahat ng naapektuhan, smoker man o hindi.

At para ipakita ni Ate Guy na sinsero siya at hindi akalain na magdudulot ng hindi magandang pananaw sa iba ang kanyang picture na may hawak na yosi ay nag-isyu ng apology ang Superstar para sa mga ‘smoke-free Philippine’ advocates.

Marami naman kasi ang nakakaalam na smoker si Ate Guy kung kaya walang malisya para sa kanya ang ganitong pictorial. ‘Yun nga lang, natapat si Ate Guy sa panahon na pilit na nilalabanan ang paninigarilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply