Makina ng buhay para sa mamamayan ng Taguig City

BILANG pagtupad sa programang ‘tuwid na landas’ ni Pangulong Noynoy Aquino, patuloy ang kaniyang administrasyon sa pagbibigay ng suporta sa mamamayan sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga pasilidad para sa ikasusulong ng kabuhayan ng mahihirap na mamamayan.

Kamakailan, 38 makina makina sa pananahi ang ipinagkaloob ng DOLE para sa livelihood ng  Kabuhayan ng mga Mamamayan Producers Cooperative (KMPC) sa ilalim ng pamumuno ni Taguig Mayor Laarni Cayetano.

Ayon kay Coun. Gigie Valenzuela-De Mesa na ang mga makina ay nagmula sa P200-libong handog pangkabuhayan ng DOLE upang matugunan at maisakatuparan ang layunin ng lokal na pamahalaan ng Taguig na mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang may 2,000 kasapi ng KMPC.

Magsasagawa ng training o pagsasanay ang Public Employment Services Office (PESO) ng Taguig City sa kababaihan na nagnanais na magkaroon ng karagdagang kita sa paglikha ng mga produktong gawa mula sa pinatuyong tangkay ng waterliles.

Ang naturang mga makina ilalagay sa production area sa barangay Sta. Ana.  Dito isinasagawa ang paghahabi sa iba’t-ibang disenyo at makukulay na fashion bags, living room-to-wall decors, jewelry cases, picture frames at marami pang ibang produkto na maituturing na ‘world class’.

Naniniwala si Mayor Cayetano na sa sandaling matuto ng teknolohiya sa paglikha ng environment friendly items ang isang sumailalim sa pagsasanay,  tiyak na makapagbibigay ito ng magandang kita at matutustusan ang pangangailangan ng bawat pamilya.

Dahil sa potensiyal ng handicraft industry sa lungsod, inatasan na rin ni Taguig-Pateros School Division Superintendent Meleda Polita sa kanyang nasasakupan na turuan ang mga mag-aaral nito na lumikha ng mga parol na gawa sa nabanggit na halamang tubig (water lilies).

Dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan, handa ang pamunuan ni Mayor Cayetano na maghandog ng pabuya para sa mga mananalo sa “Parol Making Contest” na gaganapin sa buwan ng Disyembre.

Nabatid na sinisimulan na rin ang paggawa ng tinatayang 80,000 bayong na pupunuin pamaskong handog ng lokal na pamahalaan para sa mga mamamayan ng Taguig.

Kabilang din sa mga nagsulong ng pagtataas ng antas sa kabuhayan ng maralitang sektor ay ang mga kinatawan ng konseho na sina Jimmy Labampa, A P Bartolome, Jojo Eron, Erwin Manalili, Ric Jordan, Carlos Ogalinola,  ABC President Romeo Tanyag  at SK Federation Pres. Ricardo Cruz IV.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply