Makupad na magparehistro ng motor sa LTO

INIREREKLAMO ng kanilang  mga kliyente ang Powercycle Motor sa Capas, Tarlac Branch dahil sa makupad pa sa pagong kung magproseso sa pinarerehistro nitong mga plate number ng mga motor na ipinapahulugan nito sa mga tao.

Biruin ninyo, noon pang 2006 na kinuha ng kliyente nito ang hulugang motor pero 2011 na ay hindi pa rin naparerehistro.

Palagi na lang na napapako ang pangako ng Powercycle Motor Trade.

Ang pinagtatakhan pa ng mga kliyente nito ay kung bakit super-tagal kung mag-parehistro ito sa Land Transportation Office (LTO).

Halos nabayaran na ng kliyente ang motor sa loob ng 3 yrs pero wala pa ring rehistro sa LTO.

Ano ba ‘yan?

Basahin natin ang  nilalaman ng reklamo ng ating text tipster sa text message.

Gud day, Mr. JM.

Ako po si Jun Bundalian ng Concepcion Tarlac. Gusto ko lang sanang humingi ng tulong sa inyo tungkol sa motor ng sister ko na hinuhulugan niya for 3 years sa Powercycle sa Capas Tarlac Branch.

Ang problema ay di namin maparehistro sa LTO dahil wala sa record nila ang papel ng Honda Wave 100  since 2007.

Pero nabigyan ng plaka at sticker ng LTO.

Ano bang klaseng kompanya ito?

COLLECTION SA PASUGALAN  NI PD

Sa Cavite, kahit tigil ang sugalan ay patuloy naman na nakalarga ang puwesto pijo at saklang-patay ni Danny Itlog sa Imus, Noveleta, Tanza, Dasmariñas at sa higland part ng Cavite.

Maging kay Amy sa Imus ay ‘di rin matibag-tibag dahil sa malaki ang ‘lagay’ nito kay Landong Bulag.

Pati na ‘yung saklang-patay ni Perry sa Bacoor, Cavite. Si Cavite PD Supt. John Bulalacao ang nagpapasasa sa tong-collection ni Landong Bulag.

Anoman ang reklamo o puna, i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply