Malakanyang ipinagtanggol si Llamas

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para papanagutin si Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas dahil sa kontrobersyal na nilikha nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nasa Geneva, Switzerland naman si Llamas nang mangyari ang aksidente.

Isa pa aniya, malinaw din naman ang utos ni Llamas sa kanyang mga staff na alisin kaagad ang kanyang AK-47 sa loob ng sasakyan.

Binuweltahan din ni Lacierda ang mga oposisyon sa pagsasabing nakahanap na naman sila ng maibubutas sa Aquino administration.

Tiniyak naman ni Lacierda na handang humarap ulit si Llamas sa anumang imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply